Mga kababayan po natin sila sa Iligan City, Mindanao sa Pilipinas. Opo, Pilipinas. Kahit hindi po laging nakikita sa TV, kahit walang masyadong sikat na galing dito, kahit hindi po alam ng nakararami, ang Iligan City po ay parte nga Pilipinas. Sana po kung anong kabutihan ang ipinakita natin noong nasalanta ng Bagyong Ondoy ang Metro Manila, ganoon rin po ang iparamdam natin sa mga taga-Iligan. Kung magtutulungan lang po tayong mga Pilipino…
One Country, One Family, One Heart.